Ayon kay Ponciano B.P. Pineda, ang panitikan ay katipunan ng magaganda, mararangal, masisining, at madamdaming kaisipang nagpapahayag ng mga karanasan at lunggati ng isang lahi. Maliwanag na di isinali ni Pineda sa katipunan ng panitikanang mga nasusulat na kulang sa ganda, sining at damdamin. Hindi rin maituturing na panitikan ang mga sulating nagpaparumi ng kaisipan at damdamin.